Katulad ng karamihan marami kinabahan din ako sa unang araw ng klase ko sa school, umiyak pa nga ako nundahil ayaw ko ng iniiwan ako ng mama ko, pero hindi rin nagtagal nasanay din ako. sabi ni mama sakin palagi daw ako merong star tsaka turtle sa kamay nun kasi daw kinikuha ko yung pantatak ni ma’am kapag wala siya, minsan nga sa muka ko pa daw tinatak kaya pag uwi ko sa bahay tawa sila ng tawa. Pagtungtong ko ng grade 1 hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umiiyak ako dahil sinasabunutan ako ng principal naming dahil mabagal daw ako magsulat, (napaka babaw na dahilan niya! Tsk tsk…) pero pagdating ko ng grade 6 for the first time ko magrereport nun tungkol sa food shortage habang nagrereport ako biglang dumugo ang ilong ko (literally) sobrang natakot ako nun pagdating ko ng high school lumipat na ako nun sa QCA (Quezon City Academy) naaalala ko pa nung na elect ako bilang councilor ng student council, giniginaw ako at sobrang kinakabahan nanginginig dahil daw kailangan I-promote ang sarili namin sa harap ng maraming tao para maboto, pagdating ko sa harap, sobrang nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko maalala yung mga sinabi ko sa harapan ng maraming tao, pagkatapos kong magsalita at sa kabutihang palad NATALO AKO!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento