Ngayon ay sisiguruhin ko na tatapusin ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo at kung papalarin ay itutuloy ko ito ng masteral para sa higit na karangalan sa sarili at sa mga magulang ko para makabawi sa sobra sobrang hirap at sakripisyo na dinanas nila para sa akin. Sa buhay pag-ibig ay titiyakin ko na mahal ko talaga ang babae para sa para hindi na ako masaktan at makasakit. Sa ngayon ay pinahahalagahan ko ang relasyon ko sa panginoon dahil namulat ako sa katotohanan at naituwid ang mga baluktot kong nilalandas….
Lunes, Oktubre 17, 2011
Love And Relationships
Nagsimula ako magka crush noong nasa grade 6 ako, nagustuhan ko ang tita ko (pinsan ng mama ko) nakituluyan kasi siya sa amin ng halos isang linggo sa hindi ko alam na dahilan. Unang beses ko siyang nakilala nun, sobrang bait, matalino at maganda kasi siya grabeng buhos ng luha ko nung umlais na siya sa bahay namin, pero lumipas ang isang linggo nakalimutan ko rin siya. ang aral ko doon? Haha! Of course! DOES NOT ROMANTIC LOVE YOUR RELATIVES! Pero pagdating ko ng 4th year high school nakabilang ako sa mga heart throb sa QCA at dahil doon ang babaeng ito:
ay naging girlfriend ko, niligawan ako (walang halong biro) hindi ko siya niligawan basta ko lang siya tinanong kung kami na, sabi niya kami na, so kami na daw! Walang kahirap hirap pero hindi rin tumagal ang relasyon ko sa kanya dahil lagi siyang napapa away sa iba pang mga babae na nagkakagusto sa akin at isa pang dahilan ay namulat ako sa katotohanan na “MATABA SIYA!” pinagsisihan ko na naging girlfriend ko siya makalipas lang ang isang linggo nagkaroon na kaagaad ako ng girlfriend at ito siya:
this time hindi na mataba pero hindi rin tumagal ang relasyonko sa kanya dahil natakot ako sa daddy niya. Kaya ngayon nag-iingat nako sa babaeng mamahalin ko at sisiguruhin ko na ang babaeng mamahalin ko ay panghabang buhay na.
Early School Experiences
Katulad ng karamihan marami kinabahan din ako sa unang araw ng klase ko sa school, umiyak pa nga ako nundahil ayaw ko ng iniiwan ako ng mama ko, pero hindi rin nagtagal nasanay din ako. sabi ni mama sakin palagi daw ako merong star tsaka turtle sa kamay nun kasi daw kinikuha ko yung pantatak ni ma’am kapag wala siya, minsan nga sa muka ko pa daw tinatak kaya pag uwi ko sa bahay tawa sila ng tawa. Pagtungtong ko ng grade 1 hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umiiyak ako dahil sinasabunutan ako ng principal naming dahil mabagal daw ako magsulat, (napaka babaw na dahilan niya! Tsk tsk…) pero pagdating ko ng grade 6 for the first time ko magrereport nun tungkol sa food shortage habang nagrereport ako biglang dumugo ang ilong ko (literally) sobrang natakot ako nun pagdating ko ng high school lumipat na ako nun sa QCA (Quezon City Academy) naaalala ko pa nung na elect ako bilang councilor ng student council, giniginaw ako at sobrang kinakabahan nanginginig dahil daw kailangan I-promote ang sarili namin sa harap ng maraming tao para maboto, pagdating ko sa harap, sobrang nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko maalala yung mga sinabi ko sa harapan ng maraming tao, pagkatapos kong magsalita at sa kabutihang palad NATALO AKO!
Early School Experiences
Pagdating ko sa edad na 8 super friendly ako, sa sobrang friendly ko noon halos hindi ko na maalala ang mga pangalan nila nakilala ko silang lahat dahil sa panonood nila sa akin habang nag papraktis ako ng mga moves ko para sa competition, lahhat sila tinuruan ko tsaka kinaibigan pero lahat sila iniwan ako sa ere kaya mula nun hanggang sa kasalukuyan tamatak na sa isip ko na “walang permanenteng pagkakaibigan sa mundong ito!” kaya palagi ko ng inaasahan na mawawala din ang mga kaibigan ko ngayon hindi man ngayon pwedeng bukas o kaya sa matagal pang panahon.
my child experiences
Pagdating ko sa edad na 8 super friendly ako, sa sobrang friendly ko noon halos hindi ko na maalala ang mga pangalan nila nakilala ko silang lahat dahil sa panonood nila sa akin habang nag papraktis ako ng mga moves ko para sa competition, lahhat sila tinuruan ko tsaka kinaibigan pero lahat sila iniwan ako sa ere kaya mula nun hanggang sa kasalukuyan tamatak na sa isip ko na “walang permanenteng pagkakaibigan sa mundong ito!” kaya palagi ko ng inaasahan na mawawala din ang mga kaibigan ko ngayon hindi man ngayon pwedeng bukas o kaya sa matagal pang panahon.
Personal Information
Ito si John Carlo Garcia, JC ang tawag nila sa akin sa Quezon City ako pinanganak at pinalaki ng mga magulang ko na sina Joseph Garcia (Papa) at Carmelita Garcia (Mama)
pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid ito ang panganay namin si Juliet Garcia
at ito naman ang bunso si James Owen Garcia
Sa amin lahat ako na ata ang pinaka aktibo pagdating sa pagluluto hindi ako nagpapatalo sa mama ko 6 yrs. Old palang nagluluto na ako gusto ko kasi palagi nakakataikim ng bagong klase ng mga pagkain bukod sa pagluluto babad din ako sa sports halos lahat na nga ata ng sports ditto sa pilipinas nalaro ko na, Biking, skateboarding, table tennis, volleyball, basketball at marami pang iba pero sa lahat ng sports taekwondo ang pinaka gusto ko dahil ito ang pinaka una kong official sport na nasalihan, sayang kung hindi lang sana ako tumigil dito, kasama sana ako sa demonstration team at philippine taekwondo association pero lahat ng yan hindi ko narating sana hindi pa huli ang lahat
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





